Saturday, October 15, 2011

Lab kita, Bambi

Nakangiting lumabas si KC mula sa salon. Isang ngiting mapagkubli at napapalitan ng lungkot, minsan pa’y luha, sa tuwing sumasagi sa isip niya ang isang alaala. Tinahak nito ang  papunta sa sakayan ng jeep. Sa pagkakataong iyon, dinadalaw na naman siya ng alaalang iyon, labing apat na taon na ang lumipas.

********************

Ulilang lubos na si KC. Nasangkot sa isang trahedya sa barko ang ama at ina noong apat na taon pa lamang siya. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang Lola Margaret na ina ng kanyang ama.

Bukod sa pagiging perfectionist ay obsessed si Lola Margaret sa kagandahan. Sa katunayan, ito ang nagbigay ng pangalan ni KC na Ken Carson na idinugtong sa apelyido nitong Santillan. Nagmula ito sa sikat na manikang lalake na si Ken Sean Carson na sikat bilang ka-partner ni Barbie at kauna-unahang lalakeng manika na inilabas noong 1961. Noong dalaga pa si Lola Margaret ay nahilig din kasi ito sa Barbie.

Ibinigay ni Lola Margaret ang lahat ng sa tingin ay makapagpapasaya sa apo. Maging mga laruan. Baril-barilan, kotse-kotsehan at kung anu-ano pang laruang panlalake. Ngunit isang araw ay nakita nito ang isang manikang Barbie na di sinasadyang mahulog ni Lola Margaret mula sa kanyang tukador. Ito na lamang ang nag-iisang manika na naisalba nil Lola Margaret sa mga koleksyon niya. Kinuha ito ng noon ay dalawang taon na si KC at di na muling binitiwan pa. Kapag kinukuha ni Lola Margaret ay hindi tumitigil ito sa kaiiyak.
Sa pagkakataong iyon ay muling nanabik si Lola Margaret sa isang apong babae. Hinayaan niya si KC na laruin ang manika, hindi niya ito pinigilan sa pag-aakalang magsasawa rin ang apo. Ngunit lumaki si KC na hindi nagsasawa sa manika. Lumaki siyang iba sa mga pangkaraniwang batang lalake.

Di nagtagal ay natanggap na rin ni Lola Margaret na marahil ay si KC ang sagot sa kanyang pangarap na magkaroon ng apong babae. Ngunit gaya ng karaniwang bata na iba sa karaniwan ay dumanas rin si KC ng pambubuska mula sa iba. Sa murang edad niyang anim ay nakaranas na si KC kung paano ang pagkatuwaan. Maliitin at bastusin ng mapanghusgang lipunan dahil iba siya. Dumaan sa mga kapit-bahay at pagtulung-tulungang batuhin ng mga batang walang magawa.

Matapos ang mga pangyayaring iyon ay nakita na lang ni Lola Margaret isang hapon si KC na nakaupo sa harapan ng salamin habang ginugupit nito ang buhok. Ginupit rin nito ang makukulay niyang damit at walang itinira.

“Lola, bakit si Barbie hinahangaan dahil maganda siya? Bakit ako, binabato? Sabi mo di ba magkamukha kami?”

Wala nang naisagot si Lola Margaret sa apo. Wala na rin nagawa ang matanda kundi ang lumaha habang nakayapos sa apong walang paglagyan ang sidhi ng damdamin. Batid ng matanda na malaking parte ng sugat ng apo ay nagmula sa sarili niyang mga kamay. Mula sa sarili niyang kagustuhan. Mula sa makasarili niyang pangarap.

Karugtong ng kalungkutan ni KC ay ang hindi inaasahang pagpanaw ni Lola Margaret. Dahil sa kalabuan ng mata, aksidente nitong natapakan ang sabon habang naliligo isang umaga.

Naiwan si KC sa pamangkin ni Lola Margaret na katiwala nito sa negosyo. Nabuhay si KC na ang tanging kaibigan ay ang manika. Ito ang naging tangi niyang kalaro, kaibigan at karamay sa isang mundong tahimik at puno ng kalungkutan.

********************

Lumipas ang halos isang taon, maliban sa lungkot na patuloy na nananahan sa puso ni KC.   

Gaya ng dati ay mag-isa pa rin itong naglalaro ng paborito niyang Barbie sa ilalim ng bakuran

 “Bata…”

Hindi pinansin ni KC ang pagtawag ng batang kanina pa nagmamasid sa kanya mula sa labas ng bakuran ni Lola Margaret..

”Bata!”

Kinalabit si KC ng isang bata sa likuran niya na nakaakyat na pala ng gate nila ng di namamalayan. May hawak itong isang action figure na isang pulang power ranger.

Gulat na lumingon si KC. May di mawaring takot mula sa kanyang mga mata.

“Bakit hindi ka namamansin?” tanong na batang lalake.

Pinagagalaw nito ang power ranger habang kunwari ay ito ang nagsasalita.

“Hindi kasi ‘bata’ ang pangalan ko” inosenteng sagot ni KC.

“Barbie ang pangalan ko” dugtong nito.

Sa pagkakataong iyon, si KC naman ang nagpapagalaw sa Barbie habang kunwari ay inakausap nito ang power ranger.

“Hi, Bambi. Ako nga pala si red ranger”

“Hindi BAMBI… Barbie!”

“Sabi ko nga Bambi… BAMBI!”

“Ewan ko nga sa’yo. Bulol ka naman pala red ranger, eh”

“Di bale na, gwapo naman!”

“Eh, naka-maskara ka kaya. Hindi naman natatanggal ‘yan”

“Kaya nga. Pero kapag walang maskara si red ranger, ganito ang itsura oh”

Nakangiti ang batang lalake habang nakaturo sa sariling mukha ang isang hintuturo.

Tanging ngiti na lamang ang naisukli ni KC sa tinuran ng bagong kakilala. Noon lamang napagtuunan ng pansin ni Bambi ang itsura nito.

Natatakpan ng di pantay na bangs nito ang kaliwang mata. Wala naman gaanong kakaiba sa mukha nito maliban na lamang noong bigla itong ngumiti nang mapansing nakatitig sa kanya si KC. Parang palakang biglang nagulat ang puso ni KC nang lumabas ang malalim nitong dimples.

Natauhan si KC nang mapagtanto na nanahimik ang bata.

“Ang ganda mo pala, Bambi”

“Ha?”

“Sabi ko, ang ganda mo pala Bambi”

Bumilis ang tibok ng puso ni KC habang natutulalang muli sa bata. Buong pag-aakala niya ay siya ang pinatutungkulan ng sinabi nito. Nagising si Bambi sa katotohanan nang makita niyang pinagagalaw-galaw ng bata ang hawak nitong si red ranger.

“Salamat, red ranger. Ikaw naman ang gwapo”

“Ha?”

“Sabi ko ang gwapo mo naman, red ranger! Bingi!”

“Pa’no mo nakita eh naka-maskara ako?”

“Eh di ba sabi mo, pag walang maskara si red ranger, ganyan ang itsura?”

Pagka-sabi noon ay itinuro ni KC sa gawing mukha ng bata ang hintuturo niya. Tumawa si KC habang namumula ang batang lalake. Umupo ito sa tabi niya at sinimulan siyang kilitiin.

Sa unang pagkakataon, naramdaman ni KC kung paano ang magkaroon ng isang kaibigan, sa katauhan ng batang kinikilala niya ngayon bilang red ranger. Simula ng araw na iyon, unti-unting nagkaroon ng kulay ang mukha ni KC. At sa di kalayuan ay nakisalo sa saya ng dalawang naghahabulang bata ang papalubog nang araw.

Halos dalawang buwan matapos ang unang araw ng pagkakakilala nina KC at ng batang lalaki ay marami nang natutunan si KC tungkol dito. Ang tunay pala nitong pangalan ay Jason. Ang paboritong niyang power ranger ay si red ranger dahil kapangalan niya ang human counterpart nito na Jason din ang pangalan. Nakatira si Jason sa kabilang kanto, yun lang ang tanging alam ni KC. Basta ang alam niya, may hardin at puti ang bahay nito. Ang tawag ng iba ay mansyon. Ang lola lang ni Jason ag kasama niya doon dahil nasa Maynila ang mga magulang niya.

Isang hapon, gaya ng nakaugalian ay pumunta na si Jason sa bakuran nina KC. Hawak nito si red ranger na pinalilipad-lipad at tila ay nagpapapansin kay Bambi (nakasanayan na ni KC na Bambi na rin ang itawag kay Barbie). Hindi ito pinansin ni Bambi hanggang sa mapagod na si Jason at umupo na lang sa harap ni KC.

Noon ay abala si KC sa pagda-damit kay Bambi ng isa na naman puting panyo.

“Bakit ka naka-suot ng panyo?”

“Hindi kaya ‘to panyo. Gown ‘to”

”Bakit ka naka-gown eh dito ka lang naman sa bakuran n’yo?”

“Ikakasal na kasi ako… kaya lang iniwan ako ng boyfriend ko eh”

Bago kasi dumating si Jason ay nilalaro ni KC ang isang eksena sa kapapanood lamang niyang teleserye noong isang araw.

“Ikaw, bakit ka nakapula?”

Halos matagal rin natigilan si Jason para mag-isip ng isasagot kay KC.

“Balentayms (valentines) kasi ngayon eh”

Biglang naging malungkot ang mukha ni KC na parang siya na ang nagsasalita bilang si Bambi.

“Nakakalungkot naman. Valentayms iniwan ako ng boyfriend ko”

Gumuhit ang mas malalim na lungkot sa mukha ni KC. Sa pagkakataong ito ay parang katauhan na niya mismo ang gumaganap na Bambi.

“Wag ka na malungkot Bambi. Gusto mo tayo na lang mag-date?”

Nakangiting tugon ni red ranger habang kunwari ay tinatapik sa likod ang laruang si Barbie.

“Tayo magde-date? Saan?”

“Dun sa garden, sa may puting mansyon!”

Nanlaki ang mga mata ni KC nang marinig ang tinuran ni Jason. Sigurado siyang ang putting bahay na tinutukoy nito ay ang totoong bahay ni Jason.

“Ha? Saan yun? Baka malayo”

Kunwari ay tumalikod pa si Bambi na nagpapakipot at ayaw sumama.

“Hindi. Ako ang bahala. Halika na!”

Inilapit ni Jason ang kamay ni red ranger sa kamay ni Bambi. Kunwari ay inagaw nito ang kamay ni Bambi at hinihila ito. Dinala ni Jason ang dalawang laruan gamit ang kaliwang kamay nito. At ang kanan ay inihawak sa kamay ni KC habang naglalakad sila isang hapon na papalubog na naman muli ang araw.

“Dito ako nakatira, ito ang hardin namin”

“Wow, mansyon nga pala talaga ang bahay mo red ranger!”

Ipinasyal ni Jason si KC maging sa loob ng puting mansyon. Halos hindi mapakali ang mga mata ni KC sa kung ano ang uunahing magmasdan sa loob. Matagal rin silang naglibot sa loob kasama na rito ang pagpapakilala ni Jason kay KC sa kanyang Lola. Sa kasiyahan ay di napigilan ni KC ang maluha dahil naalala niya ang kanyang Lola Margaret.

“Buti ka pa may Lola pa. Pati Mama at Papa kahit nasa Maynila. Ako kahit isa wala na”
Ngayon na lang muli tumulo ang luha mula sa mga mata ni KC.

“Tahan na, Bambi”

Pinahid ni Jason ang natitirang luha sa pisngi ni KC. Sadyang nakasanayan na rin talaga nilang tawagin ang isa’t-isa gamit ang mga pangalan ng laruang madalas nilang laruin magkasama.

Nakaupo sa may damuhan ang mga laruang sina Bambi at red ranger. Sinusulit ang isang gabing date na gawa nina KC at Jason. Habang ang magkaibigan ay tahimik na nakahiga sa damuhan katabi ng kanilang mga laruan.
Tumayo si Jason mula sa pagkakahiga at tumakbo patungo sa mga halamanan. Pagbalik ay may dala na itong pinitas na mga bulaklak ng sampaguita at ilang pirasong santan.

“Bambi halika laro na ulit tayo”

“Anong gagawin mo d’yan sa mga bulaklak?”

Nagtanong si KC habang tumatayo mula sa pagkakahiga sa damuhan.

“Nakatikim ka na ba na santan?” pagtatanong ni Jason habang hinihila ang parte ng santan na may matamis na katas.

“Ha? Kinakain ba yan? Bulaklak yan eh”

“Matamis kayo ito, Bambi. Heto tikman mo”

Iniabot ni Jason kay KC ang hinilang parte ng santan na may katas. Marahan itong inilagay ni KC sa bibig habang pinagmamasdan siya ni Jason na sabik na sabik sa magiging reaksyon ng kaibigan.

“Antamis!”

Nakailang pitas rin si KC bago pa man magsawa sa matamis na katas ng santan. Napansin nito ang hawak ni Jason na bulaklak ng sampaguita.

“Pwede rin ba yan kainin? Matamis rin ba yan?”

“Ah, hindi Bambi. Para ‘to kay Bambi”

“Para sa akin?” nagtataka ngunit nananabik na tanong ni KC.

“Hindi, para sa manikang Bambi!”

“Di ba kaya naka-suot na puting panyo si Bambi ay dahil ikakasal na dapat siya?”

“Oo. Kaya lang iniwan siya ng boypren nya”

“Gusto mo si Bambi at red ranger na lang ang magpakasal?”

Nabigla si KC sa sinabing iyon ni Jason. Pakiramdam niya, gaya noong sa mga teleserye, ay siya ang inaalok nito ng kasal. Parang kinikiliti ang puso ni KC ng mga panahong iyon. Kung ano ang tawag sa kiliting iyon natulad ng pakiramdam kapag nakikiliti ka sa mga damong ligaw, hindi niya alam. Basta may kiliti sa dibdib niyang nakakapagpabilis ng tibok ng puso niya sa tuwing kasama niya si Jason, o si red ranger, o sinuman sa kanilang dalawa.

Nang gabing iyon ay napuno ng pinitas na sampaguita ang buong hardin. Hawak ng laruang Bambi ang isang tumpok ng sampaguita gaya noong sa mga kinakasal. Naglalakad itong suot ang panyong ginawang wedding gown habang ang groom na si red ranger ay suot pa rin ang costume nitong pula sa pagmamartsa sa damuhang itinuring ng dalawang isang malaking altar.

Ng gabing iyon isang tag-init ng taong 1997 ay umusbong na parang isang sisidlan ang pag-ibig sa puso ni KC. Ang sabi niya, nakikiliti ang puso niya sa tuwing kasama niya si Jason. Yung kiliting tulad ng kiliting dulot ng damong ligaw sa hardin. Kung anuman ang pakiramdam na iyon, hindi niya lubos maintindihan.

********************

Maagang nagising si KC upang maagang makapunta kina Jason para makapaglaro. Sosorpresahin niya ito. Lagi na lang kasi si Jason ang pumupunta sa bakuran nila para maglaro. Sa pagkakataong ito, siya naman. Pagkatapos mag-almusal ay dali-daling kinuha ni KC ang manikang si Bambi.

Wala pang sampung minuto ay nakarating na siya sa labas ng puting mansyon. Ngunit bago pa man siya makapasok ay nakita niya ang isang malaking kotse na papalabas mula sa gate ng puting mansyon. Tumigil ito sa harapan niya at mula roon ay bumaba si Jason hawak si red ranger.

“Bambi, kailangan ko ng umalis”

“Ha? Bakit?”

Di pa man nakakasagot si Jason ay tumulo na ang luha sa mga mata ni KC. Si Jason ay 
humihikbing mukhang kagagaling lang din sa pag-iyak.

“Malapit na ang pasukan at doon ako sa Maynila pinag-aaral”

“May eskwelahan rin naman dito, hindi ba pwedeng dito ka na lang?” 

“Hindi Bambi. Doon ako gusto pag-aralin ng mommy at daddy ko”

“Paano na ko?”

“Babalik ako Bambi”

“Kelan?”

“Hindi ko alam”

Bunuhos nang parang isang ayaw papigil na ulan ang mga luha sa mata ni KC. Hindi na rin napigilan ng sariling mga mata ni Jason ang bigat ng damdamin.

Nagmamadaling inalis ni KC ang panyong ginawa niyang gown ng manikang si Bambi. Mabilis itong tinupi at inihabol kay Jason na muli nang papasakay sa sa sasakyan.

“Dalhin mo ito pag balik mo dito… para maalala kita… kasi pag balik mo rito, malamang pareho na tayong malaki”

Humihikbing pang namaalam si KC kay Jason sabay yapos dito ng mahigpit.

“Lab kita, Bambi… babalik ako”

********************

Nagmumura pa rin sa init ang tanghaling iyon matapos pumunta ni KC sa salon. Habang umaandar ang jeep ay tulala siyang tila black ang white ang lahat ng nakikita. Halos mapaluha siyang muli sa alaalang iyon ng lumipas na labing apat na taon.

Hindi siya nagkamali. Habang naroon siya sa puting bahay na bagama’t pinaglipasan na ng panahon ay nananatili pa ring sariwa at mukhang alagang-alaga ng caretaker ng pamilyang minsan ay nakatira doon. Gaya ng mga alala ng kabataan niyang sariwa pa rin sa isipan niya. Ang alaala ni Bambi at ni red ranger na naglalaro sa isang sulok ng hardin noon (na ngayon ay simpleng bakuran na lamang). Wala na ang halaman ng sampaguita. Wala na rin ang matamis na santan. Wala na ang nangingiliting damo. Tanging ang puting mansyon at ang mga alaalang patuloy na naglalaro sa apat na sulok nito na lamang ang natira.

Hindi alintana ni Bambi ang init. Mas gusto pa nga niya ang ganoon. Kesa umuulan at lalo siyang nalulungkot.

Naalalang lahat ni Bambi. Tumulo ang luha nito.

Bahagyang nagulat si Bambi nang may isang kamay na biglang pumatong sa balikat niya. Mabigat ang kamay ngunit hindi maipaliwanag ni Bambi ang naramdamang gaan ng loob ng mga oras na iyon. Para siyang  isang lantang dahon na nahuhulog mula sa natutuyong puno at tinatangay ng hangin patungo sa kung saan.

Lumingon siya sa pinagmulan ng kamay sa bandang likuran niya at hindi sinasadyang masagi ng kanang braso niya ang isa pang kamay ng nagmamay-ari ng kamay na nakapatong sa balikat niya. May hawak itong puting panyo na tila ay iniaalok sa kanya. Natigilan siya. Kinutuban at hindi magawang ialis sa pagkakayuko ang mukha niyang noon ay natutuyuan na ng luha.

“Tahan na… Bambi…”

Tumaas ang balahibo ni Bambi na tila ba ay nagising mula sa isang matagal at mahimbing na pagkakatulog nang marinig ang pangalang iyon. Bambi. Tinawag siyang Bambi. Walang ibang nakakaalam ng pangalang iyon maliban sa sarili niya at kay red ranger. Labing apat na taon din niyang hindi narinig ang pangalang iyon, maliban sa sarili.

Marahang itinaas ni Bambi ang mukha na di malaman kung nananabik ba ang sarili na masiguradong tama ang kutob niya kung sino ang nilalang na iyon sa kanyang likuran o natatakot na baka nagkakamali lang siya.

“Hindi ko inasahang dito kita madaratnan. Anong ginagawa mo rito?

Walang ibang naisagot si KC kundi isang mahigpit na yakap kay Jason.

“Alam kong babalik ka. Naniwala akong babalik ka”

Tumulong muli ang mga luha sa mata ni KC. Sa pagkakataong iyon, luhang may kasamang ngiti. Ngunit pagmulat nang muli ng kanyang mga mata ay naaninag niya ang isang magandang babae na may kargang isang bata na malamang ay nasa tatlong taong gulang.

“Ang asawa ko nga pala Bambi, si Jamie. At anak namin, si Allan”

Parang gumuhong bigla ang mundo ni KC. Nangangapal ang kanyang ulo. Gusto niyang umiyak ngunit tila ay wala nang luhang ilalabas. Gusto niyang sumabog. Gusto niyang maglaho.

Ngunit wala siyang ibang nagawa kundi ang ngumiti at batiin ang asawa at anak ni Jason. Sa kaibuturan ng puso niya ay may isang nilalang na gustong sumigaw at magwala. Mabuti at nagawa niyang pigilin ang sarili at magpakahinahon.

Inimbitahan siya ni Jason para mananghalian sa puting mansyon kung saan sila magbabakasyon ng mag-anak. Tutal ay biglang bummuos ang ulan na parang nananadya. Itinago ni KC ang nararamdaman kasama ang labing apat na taong alalaala. Hindi na muling binanggit pa kay Jason ang nakaraang punung-puno ng pag-asa at paghihintay.

Tumila na ang ulan. Tumila na rin ang pag-agos mula sa mga mata ni KC. Ngunit gaya ng panahon, hindi niya alintana kung kailan muling papatak ang mga luhang iyon na dulot ng pag-ibig niya kay red ranger, o kay Jason, o kung sinuman sa kanilang dalawa. Tanging ang nasa isip niya ay pumatak man muli ang masaganang luha mula sa mga mata niya ay titila rin ito, kahit hindi man pang-habang buhay.

Habang naglalakad palabas mula sa puting mansyon ay ipinangako ni KC sa sarili na hindi na siya muling lilingon pa. Siguro nga, minsan, may mga pagbabalik na itinadhana hindi upang magpatuloy ang kung anuman ang naudlot. Minsan, marahil, ang pabbabalik ay inilalaan para tuldukan ng katotohanan ang mga pagnanais nating dulot ng naudlot na nakaraan.

#

ito ay opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards Year 3



Monday, December 20, 2010

i am a fan of myself (and myself is my only fan)

So hindi na naman ako makapag-sulat.
Walang drive. Walang inspiration. Walang life.

Wala rin tuloy sense.

'Pag walang pumapansin, lagi kong isinasa-isip,
"I AM A FAN OF MY SELF AND MYSELF IS MY ONLY FAN, I AM MY ONLY though BIGGEST FAN!"
So the flare goes strong again.

When it ever goes down, i tell myself over again:
"I AM A FAN OF MY SELF AND MYSELF IS MY ONLY FAN, I AM MY ONLY though BIGGEST FAN!"
Then the flare goes strong once again.

Pero pa'no kung 'di mo na ma-motivate ang sarili mo na maniwala sa sarili mo?
Sino/ano na'ng paniniwalaan mo?

Saturday, November 27, 2010

love has no age

Yesterday,a friend and i were talking about soul mates.

In the middle of the conversation i told her about something i consider a big possibility -
that there might be no one meant for me this whole lifetime.

I am a terrible thinker, they say.
But it isn't pessimism for me. 
What struck me was when she said that she still has a couple more years to find out if she has someone meant for her.
She's only 23 and hell she thinks that way.

"We have a lifetime to search and wait for love or for the right love to come", i told her.

Why do we have to give ourselves a deadline?
LOVE is not food that we have to mark with expiration date.
Love never expires.
Never close your door at 27 or at 40, or even at 70.
If Love can enter through the window anyway, why don't you just open the door?

Sometimes Love knocks on our doors a little late.
But it wouldn't ever mean it's TOO late.

People grow old, and age fast.
But Love, is a fountain of youth itself.

Love has no age.

Friday, November 26, 2010

angels



angels come to me when their wings get broken,


then forget about me when somebody else picks up their battered wings to fix it.


eventually they would fly sweetly together,
never even looking back to bid goodbye...




...just to bid goodbye.

Sunday, November 21, 2010

golden moon

take a look at the moon... 
not a silver moon tonight...  
but a golden moon...  
i wanna kiss you moon... :)

Friday, October 22, 2010

from my loneliness, he resurrects

where there is
no sound,
no light,
no warmth,


from my loneliness, he resurrects.




when silence is distraction,
he resurrects.
when coldness is sorrow,
he resurrects.
when darkness is fear,
he resurrects.




but when silence starts creating melody,
he covers his ears
and disappears.
but when warmth embraces the cold,
he melts
and disappears.
but when the sun lights up the sky,
he hides
and disappears.


from my loneliness, he resurrects.




he is,


quib

Friday, October 1, 2010

QUIB

Gabi.

Nakaupo si RJ sa gilid ng kama. Nakasandal ang likod sa malambot na unan na nakaharang sa malamig na pader. Nakatingalang pinagmamasdan ang ginagawang bagong gusali sa di kalayuan. Magandang tanawin iyon mula sa bintana ng silid, lalo na ang liwanag ng mga ilaw doon.


Malungkot si RJ. Pasulyap-sulyap sa celfone na nakapatong din sa kama. Ang 'di pagtunog nito ang nagpapalungkot sa kanya habang naghihintay pa rin na may dumating na mensahe doon.

Madilim.
Tahimik.
Malungkot.

Sa ganoong pagkakataon ay may biglang sumusulpot na nilalang -- si QUIB.

Dilim. Katahimikan. Lungkot. Ang mga ito ang bumubuhay sa nilalang. Napansin ni RJ ang biglang paglitaw nito, ngunit di na ikinagulat. Madalas nga'y bago pa man ang pagdating nito'y inaasahan na nya. Alam n'ya kung kailan nagigising ang nilalang.

Pinakatitig-titigan nito ang mga mata ni RJ at kinakitaan ito ng malubhang pagkabagabag. Di na nakatiis pa.

QUIB: Hayaan mo na 'yon. Move on.
RJ: Ha?
Q: Sabi ko, wag ka na umasa. 'Di lang sa text n'ya kundi pati na rin mismo sa kanya. Ilang beses ka na pinaasa di ba?
R: Isa.
Q: Isang beses?
R: Hindi, isang taon.
Q: O tignan mo. Wala ring nangyari.
R: Nami-miss ko lang naman.
Q: Kaya ka nalulungkot dahil miss mo?
R: Ewan.
Q: Pagkatapos, iti-text mo. Tapos pag nagreply at pinakitaan ka nanaman ng maganda, kikiligin ka. Tapos aasa ka hanggang sa umasa ka nanaman sa wala. Tama?
R: Ewan.
Q: Di ka na nadala. Lahat na ata ng kasabay mong ma-heart broken noon naka-move on na. Ikaw na lang ang hindi. Lahat sila pasulong. Ikaw balik nang balik sa nakaraan. Hanggang kelan?
R: Ewan ko.
Q: Puro ka nanaman ewan. Yan na lang ba ang isasagot mo sa lahat?!
R: Tuwing susulpot ka kasi lagi mo na lang ako kinokontra!
Q: Aba! Natural. Ako ay ALTER EGO mo! Gustuhin MO man o hindi, gustuhin KO man o hindi, wala akong magagawa kundi kontrahin ka talaga. Kung bakit ba naman kasi nag-emo ka pa d'yan, nagising tuloy ako. Nagigising ako kapag nalulungkot ka.

Natawa si RJ.
Tumayo at binuksan ang ilaw.
Binuksan at inilakas ang TV.

Unti-unti, naglaho si QUIB sa liwanag at ingay.

Monday, July 26, 2010

MARAMI PA 'KONG UUBUSING TINTA!

Kapag kailangan mo ng kausap at wala kang makakausap, buksan mo ang bintana. 
Ipikit mo ang mata mo at ramdamin ang malamig na hangin; isipin mong may buhay din ito kagaya mo.
Magtanong ka, at isipin mong bawat haplos nito sa balat mo ay ang tinig nitong sasagot sa mga katanungan mo.







Minsan naitanong ko sa hangin:

"Kailan ba tumitigil sa pagsusulat ang isa malayang manunulat, at kung kailan ba n'ya dapat tanggapin na hindi s'ya para sa papel. Marahil sa medisina, sa pagtatanghal, sa pulitika, o kung nasaan man ang kakayanan n'ya; kahit wala roon ang puso n'ya.
 May mga tao kasing pinipilit ang sarili nila sa mga bagay na 'di talaga para sa kanila."

Sumagot ang hangin:

"Malalaman mo na hindi para sa'yo ang pagsusulat kung daan-daang pahina na ng papel ang napuno mo at galon-galon na ng tinta ang naubos mo, at napansin mong ikaw at ikaw lang ang bumabasa, napapaligaya, at nakaka-relate sa sarili mong mga kwento; sa nilalaman ng diwa mo; sa mga pangarap na ang tinta lang ng bolpen mo ang may kakayanang tumupad; ng mga nararamdaman mong ang papel lang ang siyang makakaintindi; ng mga pantasya mong ang papel lang ang matyagang nakikinig; at mga alaalang gusto mong balik-balikan."

Ito ang pinaniwalaan ko noong una, kaya tumigil ako sa pagsusulat. Tama ang sagot ng hangin.
Bakit ka pa magsusulat kung sarili mo rin lang ang babasa, kung sarili mo rin lang ang makaka-appreciate sa bawat nilalaman ng isip ko na isinasalin ko sa papel.

Nagdaan ang ilang buwan, o ang ilang araw, na 'di ko na mabilang. Basta ang alam ko, isang araw, naghanap ako ng bolpen at papel. Para akong naghahanap ng ulam na matagal ko nang di natitikman. 

Noong nasa kamay ko na ang bolpen at nasa harap ko na ang papel, tinitigan ko lang. Ayoko ng white space. Ayoko ng masyadong malinis. Ayoko ng walang marka. At gaya ng nangangating balat, mahirap pigilin na huwag ito kamutin. Ang papel ang balat ko, ang bolpen ang pang-kamot. Kaya kinamot ko ang papel gamit ang pang-kamot na nararapat sa kanya - ang bolpen.

Nagdaaang muli ang malamig na hangin, pumasok sa tenga at kinalabit ang isipan ko.

"Bakit ka nagsusulat? Di ba sabi mo, wala naman gustong bumasa sa mga isinusulat mo?"

Sabi ko sa hangin, mahirap pala pigilan ang nangangating kamay. Napagtanto ko na di naman ako dapat magsulat para sa ibang tao, kundi para sa sarili ko. Para sa nilalaman ng isip at puso na gustong kumawala. Kung mangyari man na wala pa rin magbasa, hindi bale at napaligaya ko ang sarili ko.

Nagsusulat ang isang manunulat para sa sarili n'ya, higit kanino man.

May mga bagay rin sa mundo na babawiin sa'yo ng pagtanda. Tulad ng alaala. 'Di kalaunan,ang mga prutas na inalagaan at iningatan mo, kung hindi kakainin ay siyang mabubulok.  Kaya hangga't maaga pa, walang masama kung iipunin  mo sa papel ang mga alaalang gusto mong mahalukay pagdating ng panahon. Sa panahong 'di na kaya ng kamay mo magsulat. Kapag ang mata mo na lang ang siyang may kakayanang gumalaw at magbasa. Kung mamalasin pa nga ay baka mabulag pa dulot ng katandaan.

Lakasan mo ang loob mo.
Kunin mo ang bolpen at kamutin ang nangangating papel.
Hindi mo dapat isipin ang pangungutya.
Isipin mo ang makapagpapaligaya sa'yo.

At sabihin mong:

MARAMI PA 'KONG UUBUSING TINTA!